Friday, May 27, 2011

May Visita

Kahapon bago ako pumasok may narinig akong malakas na hiyaw.HELP! bumalik ako  sa hallway.
Ito ang bumulaga sa akin.

Nakabulalas,naglalakihan ang mga mata isang kuting sa harapan ng  abandonadong kwarto.

Ako: hay Kid ! anong problema?

Kuting: Nag lock po kuya ang pinto di me makapasok bad trip nga eh.

Tinulak ko ang pinto at bumukas ito. Ang bilis niyang tumakbo.Lalo akong nagulat sa nakita ko.

Kuting: Dyaran! mga kapatid ko po kuya Ito po Wahid ,Etnin, Talata at ako naman po si Arba   Pasinsiya ka na kuya kasi matatakutin  sila.Madalas kasi silang bulyawan at habulin sa labas  ng mga kasam mo dito sa camp. Kaya meron silang fear of human.



Lahat sila nakatingin sa akin at nababalutan ng takot ang kanilang mga mata.Malamang may nanakit sa kanila.

-------------------------------------------------------------------

Pagdating ko sa camp kinagabihan sila kaagad ang pinutuhan ko. at  nakilala ko na si mother cat ito siya.

Hindi ko alam kong saang lupalop siya nangaling at dito siya napadpad sa aming lugar.Di pa kami nag uusap ng masinsinan kung ano ang mga plano nya.
Binigyan ko ng isang pirasong hiwa ng manok na dinikwat ko sa ulam ni roomate ng walang paalam at binigay ko sa kanya.

Ito lang ang magandang napansin ko sa kanya dahil pinahanga niya ako.
1. Pinagpira- piraso niya ng bite size  ang laman ng manok at di siya kumain.
2. Humiyaw ng isa lang si Mother cat at sabay sabay naglabasan ang mga patpating kuting na
galing pa sa tulog

Lesson learned :

Kung ang hayop na walang aral ay marunong magsakripisyo para sa kanyang mga minamahal ang tao pa kaya?
Kahit pusa pala ay may coordination Just to survive.

Photobucket

15 comments:

Bino said...

nanay talaga, kahit pusa pa siya, inuna nya ung kapakanan ng mga anak nya. galing :)

kringles said...

awww.. kawawa naman yung cat, baka sinaktan sila before.. mahilig din ako sa pusa kuya, as in.. kaya pag nakakakita ako ng abused na animals lalo na yung pusa, nalulungkot ako..

jedpogi said...

ang ganda ng moral lesson kaya lang nakakatakot itsura ng mga pusa hehehe lalo na yung nanay...

rainbow box said...

totoo to kuya? na pinira-piraso nya ang manok for the kutings? at hindi sya kumain para makakain ang mga babies nya?

buti pa ang mga hayop, marunong magsakripisyo, marunong magbigay, maalam magmahal. sana lahat ng mga tao ganyan din.

Sey said...

talagang may conversation kayo ni Mama Cat pati ng baby cat. Kuya tawag niya sayo? close kayo. Naniniwala na akong may something kayo ng mga pusa. Hahahaha.

I-train mo sila. Yung pusa namin dati, alam niya kung saan siya ma-u-uhmmmm, maghuhukay siya bago pag uhm, tapos tatabunan niya yung uhm niya. Hindi rin siya nangengealam ng ulam ng may ulam kung ano ibigay yun lang kakainin niya, hay Muning, namiss tuloy kita. Saka nga pala palagi akong inaabangan nun sa daan, pag pauwi na ako galing school tapos hahatid niya ako pag paalis na ako. Natutulog siya sa paanan ko tapos nagbabantay din siya pag naliligo ako. hahahaha. wala lang na-share ko lang. hehehe

mayen said...

aww.. napakaganda naman post na ito. Naalala ko, nakakapagsalita ka pala ng Meow (language ng pusa).. hehe..kaya nakausap mo yung pusa

hindi ako mahilig sa pusa o kahit anong hayop. Mas gusto ko ang mga tao lalo na ang mga bata. Pero humanga ako kay mommy kitty at maganda ang aral sa huli. :)

mommy-razz said...

kawawa naman sila, mkikita mo talagang napabayaan sila kc ang payat nila.. bait mo diamond R. keep it up!

Ishmael Fischer Ahab said...

Nice. Ang bait ni Mother Cat. ^_^ Isusumbong kita sa room mate mo. Kinuha mo ulam niya ah.

ka bute said...

in short, animal instinct. hahaha. (iba ata un?) ^_^

iya_khin said...

ganda naman nito....nasaan si Kamsa?! hehehe! ayos ang name ha! lol

lesson..korek ka hayop marunong magsakripays tao pa kaya! astig bro!

empi said...

Wow! Buti pa ang pusa... may sakripisyo. Ang tao, minsan wala nyan. :D

apple said...

aaw, wawa naman sila. mga payatots! alagaan nyo pong mabuti. :D

Ka-Swak said...

natural un sa mga pusa, di ba nga pag nilalapitan mo mga kuting nya kinakalmot ka. parang tao rin ipaglalaban ang anak basta wag lang tulad ni aling dionisia na nawawala sa usapan ng lipunan...ika nga niya MALASWAAAAAAAA!

Francesca said...

Cute ang history, aba at may pangalan pa mga pusa mo ah. Adopt mo na sila. Kawawa naman. Siguro may mga cat cereals naman na nabibili sa grocery. Kawawa din si room mate, nadekwat mo ang fud niya. Per di kami magsusumbong, good cause naman ang ginawa mo eh, hehehe.

daemonite said...

ang dungis ni inang pusa... pusakal?!


and one more thing...

nagsasalita talaga sila?!!!!


hahahha

top commentators

Get this widget

Labels

Yiruma