Sunday, February 12, 2012

The Adobo Experience

Nasa lamesa ko ang VCD ng "3 Idiots" na nabili ko kahapon sa Carrefour (Delma Mall) nakaplanong panonoorin ko ito ngayong gabi.Pero isinantabi ko muna para mag post ng blog ngayon na.

May kalokohan kasi akong nagawa kani- kanina lang na sa tingin ko lu- melevel up sa akin ang ka idiotang tunay.

Kasabay ng VCD bumili din ako ng fresh chicken breast tatlong slice lang dahil gusto kong adobohin. Dapat kaninang tanghali sa work pero nakalimutan kong dalhin kaya pag dating ko ng Camp ito kaagad ang inumpisahan ko.

Natikman ko kasi ang pinakamasarap na chicken adobo sa tanang buhay ko noong magbakasyon ako sa Manila. Luto ito ng brother- in- law ko.Di naman niya sa akin pinakita paano gawin dahil wala ng time sinabi niya lang ang proseso( same ingredients lang). Sa dulo ko na ibabahagi ang proseso ng pagawa kung gusto niyong e try. Kwento ko lang muna ang kalokohan kong nagawa ngayon.

Unang proseso. Pagkahiwa ng manok pakokuluan mo ito sa soysauce at asukal lagyan mo na rin ng suka kunti lang at black pepper wala ka ng ilalagay ng asin o tubig. Medyo madami ang asukal para mabalanse ang alat.Pero wag naman subra baka maging minatamis na.

Ganon na nga ang ginagawa ko. Ang problema ang kitchen namin sa Camp ay common Kitchen ng lahat. May mahigit 50 meters yata ang layo sa room namin.

Iniwanan ko munang kumulo at  bumalik na ako sa room para maghiwa ng onion at garlic (dapat madami para masarap)

kunting kwento kwento sa ka roomate na dumating din. Di ko alam kong gaano na ang tinagal ko kasi sa tingin ko sandali lang naman ako.

Pagbalik ko nagkakagulo na sa kitchen dahil umuusok na ang kaldero.May nasusunog!

Nasunog si Adobo.

Imagine mo ang soysauce lang at asukal pagkatapos kumulo kung ano ang mangyayari. Tumigas na parang bitumen paint. Balikutsang sunog

Na e - salba ko pa naman ang manok dahil di pa naman siya naihahalo yong asukal lang at soysauce ang nanigas sa kaldero.

Ano ang nangyari pagkatapos?

Inabot lang naman ako ng higit kalahating oras para magtangal ng sunog na soysauce at asukal sa kaldero ng ka roomate ko. Na hindi nga ako nagpaalam gamitin.Kung sa akin lang itatapon ko na ito.

Hindi siya basta matangal ng scrubbing pad at wire gauze(yong ba ang tawag doon sa mala almbre na scrubbing pad). Kasi kinailangan ko siyang tiktikin ng chisel para mabakbak ang sunog.

PARUSA! nangitim at nanakit ang mga braso ko't daliri.

Ang daming nakiki usyoso sa washing area kung ano ang ginagawa ko dahil pagkatagal- tagal ko doon.May natapos na maghugas ng lulutuin at bumalik na para hugasan ang pinaglutuan niya sa awa ng diyos  andoon pa rin ako nag kukuskos.


Ng dahil lang sa tatlong slices ng  chicken breast. naperwisyo ako ng mahigit isang oras.What an IDIOT!

Ganon pa man sa prosesong ito  natikman ko ang pinakamasarap na Chicken adobong.

Try niyong gawin alam ko maraming style para gawin ito. 
Expirement niyo ito

1.Hiwain ang manok ng tamang laki lang wag lang maliliit.(see picture below)
2.Pakuluan sa soysauce,Asukal at suka (kunti lang ang suka) hangang sa maluto at lumabas ang mantika lagyan na rin ng pamenta at laurel.
3.Mag saute ng bawang at sibuyas.Mas marami mas maganda.Saka ihalo ang pinakuluang manok at igisa dito.

Hintaying medyo matuyo.at humalo ang sauce sa manok.

Yon na yon.

Kailangan di maputla ang manok.Kung maputla magdagdag ng soysauce.

Reminder lang:

Huwag iiwanan ang pinapakulaang manok kung ayaw niyong abutan ng simana santa sa washing area.Dahil hindi gawang biro ang nasusunog na soysauce at asukal ng magkasabay sa kaldero.


na recover kong manok dahil asukal at soy sauce lang naman ang nasunog.Bukas ko na lang ito igigsa sa bawang at sibuyas dadagdagan ko na lang ng tuyo para mas makulay dapat maiitim 

Gigisa ka nalang ng bawang at onion tapos saka mo ilalagay ang luto ng manok

Ito na lang ang kinain ko ngayon imbes na adobo.Try ko ng panoorin ang" 3 Idiots " movie
Paminsan minsan masarap alipustain at pagtawanan ang sarili kaysa gawin sa iba.
Madalas kong gawin ito.
Photobucket

17 comments:

Bino said...

mukhang masarap pa rin ung adobo mo :)

Akoni said...

hahaha..minsan din nagluto ako ng adobong manok at ang kinalabasan ay manok de bobo, dahil bobo sa pagluluto ang nagluto..sa sunod gayahin ko ito! hehe...

Lady_Blue said...

nagutom tuloy ako..

Rence said...

Napanood ko na ang 3 Idiots, and it's a good watch. i love that movie.

musingan said...

adobo... yan ang unang putaheng natutunan kong lutuin... yahooo... galing mo talagang chef... ehehhehe... masarap talaga ang adobo... may style din ako ng pagluluto... masarap din sabi nila....

mayen said...

Gosh, hate ko din yan maghugas mga nasunugang kaldero. I can imagine your dismay sa paghuhugas. Ang lesson- tama ka hwag iwan ang niluluto ng di masunugan..

Kakaiba ang klase ng pagkaluto ng adobo. Sa amin favorite ko ang adobo ng lola ko. Pero wala na sya, so far walang makagaya ng luto nya.. Namiss ko bigla lola ko tuloy. :(

Ayie =) said...

Para sa kawawang kaldero:

-Kumuha ng Jif o Fairy.
-Lagyan ng Jif/Fairy ang kalderong may nasunog na adobo
-Lagyan din ng isang basong tubig
-Pakuluan

Lalambot ang tumigas na toyo+asukal.

Ibalik sa lalagyan ng roommate

At next time magpaalam.

haha!

Nice adobo.

TERESAURUS said...

Picture pa lang mukang masarap na....

iya_khin said...

tagal ko ng di nakakapagluto ng adobo!!!! hmmmm kagutom!!

Axl Powerhouse Production Inc. said...

whahaha... oks yung pagkakagawa mo tsong ha....
palbc naman nyan hhehehe

Superjaid said...

ok pa naman yung manok. di naman halatang nasunog. muka pa ring masarap. =D

namimiss ko na adobo ng mama ko.

McRICH said...

hala kawawa naman ang diamondr, di bale, ganon talaga, practice makes perfect ika nga, saka kasi raw, di ka nagpaalam sa may-ari ng kaldero kaya nasunog hahaha :)

dito pa kme, pero lapit na bumalik dyan awww!

pahiram naman ng 3 idiots, balita ko nakakatawa raw yan ng sobra!

Leo said...

Wow, parang ganyan magluto mama ko ng adobo. Kaibahan lang, piniprito namin ang manok after pakuluan sa vinegar, toyo at sugar, tapos magigisa at ibabalik ang pinritong manok. Ang effort no? Pero masarap. :)

Maganda yang 3 idiots. Highly recommended movie yan. :)

KikomaxXx said...

mas hate ko yung mahugas lalong-lalo na pag ako pa yung nagluto.. hahaha

Arvin U. de la Peña said...

iyan ang masarap na pulutan.....

bagotilyo said...

buti at narecover mo ang manok ..hehehe

tamam insan masarap ding pagtawanan ang sarili :)

jhengpot said...

buti naisalba kundi paktay na! 3 idiots plus adobo, ang sarap na combi. fave ko kasi yun 3 idiots, ayan yung sobrang iyak ako sa part na may paanakan portion.

top commentators

Get this widget

Labels

Yiruma