Wednesday, February 15, 2012

Adobong Bayawak na may Gata

Isang umaga di ma ipinta ang galak sa mukha ng aking kapatid sa dala-dala niyang pasalubong sa akin. Alam niyang matutuwa ako sa sorpresang ito.

Di nga siya nagkakamali. Bata pa ako ng huli akong makakita ng "Guto" tawag namin sa bicol ng bayawak.
Masarap daw itong ulam mas masarap pa sa manok.Oww?

 Di naman ako kumuntra, oo lang ako ng oo para masaya. Pero sabi ko wag munang kakatayin si bayawak dahil maglalaro muna kami.

 Picture dito picture doon kaming dalawa ng guto. Di ko lang nakuhanan ng maganda yong nakapalibot ang mga  manok at itik pinagmamasyan ang bayawak dahil umaambon. Para kasing  tuwang tuwa silang makita ang bayawak na nakatali at sabay -sabay na nagsasabi ng "buti nga sayo perwisyo ka sa buhay namin" mamatay ka na sana.

Di ko  sila masisi sa kung ano man ang nasa isip nila dahil ito ang salarin pag may mga nawawalang sisiw ang manok at itik.Isang hampas lang ng buntot nito bungaw ang manok.
Hi ACRE



Hi mga bloggers



Monitor Lizard

Lumipas ang ilang araw adobong may gata ang kinalabasan  ni bayawak .Para hindi kill joy hindi ako nag pahalatang di ako kumain pero tumikim ako ng kunting kunti lang.Hindi ko alam kong dahil sa balat na nakikita ko pa sa mga pira-piraso nito ng sumandok ako pero iba ang lasa niya di ko type kahit na anong pilit ko isipin na masarap.Wale eh.

Napansin ko kunti lang din ang nabawas. Yong kapatid ko lang yata na nakahuli ang may gusto pero walang nagsasalita. Si mama lang ang bumasag ng katahimikan ng  sabihin niya na di siya interesado sa mga ganyang pagkain.

Bigla kaming nagtawanan.

Kinagabihan. Ayon sa tumana ng inuman bumagsak ang adobong bayawak.
Photobucket

21 comments:

Bino said...

hindi din ako kumakain nito hehehe

Sey said...

Hi Bayawak!

At talagang you're back na. Sabi nga nila masarap daw yung bayawak pero parang hindi ko din kayang kainin yan.

Yung palakang bukid carry ko pa, parang manok lang talaga siya yun nga lang awkward ang itsura niya pag naluto, parang macho man siya. hehehe

Taga Bicol ka pala, may mga friend akong taga Bicol din.

Arvin U. de la Peña said...

tawag niyan dito sa amin ay HALO......di pa ako nakakakain niyan pero masarap daw iyan.....ahas na sawa iyon nakakain na ako....masarap din ang sawa kasi buhay na hayop ang kinakain nila....

mayen said...

Naku hindi ko maimagine ang kinahantungan ni bayawak. Ako din di ako kakain nyan kung sakali. Ang tatay ko napakahilig sa exotic food. Kung minsan nakakakita ako ng mga legs ng palaka na naka styro sa fridge namin. nakakaloka. Meron din yang bayawak dati pero inalis nya ang balat at pinipilit akong tikman. Ganun kasi sya namimilit na tikman namin ang mga trip nyang food. pero di nya ako kaya, dahil di ko din kaya kumain nyan. hehe..

dami kong sinabi.. pero in fairness kay bayawak ang cute ng mga dots nya sa katawan ah? hehe yellow, my favorite color.

tagapagmana ni Huseng Batute said...

sarap...hehehe

Leo said...

When I went to Kota Kinabalu, we saw around 7 or 8 monitor lizards on one of the islands. They look harmless creatures until you see them run! Kakalurky.

Seeing your pictures, mukhang mabait din siya, kaya medyo nalungkot ako knowing na naging ginataan siya one day.

Malansa daw yan? Tama ba?

Ishmael Fischer Ahab said...

Kami rin, di rin namin type kumain ng bayawak. Hindi lang sa hindi maganda ang lasa pero kung anu-ano kinakain niyan eh. Kumakain din yan ng patay na hayop.

Anonymous said...

ang laki!


kol me empi

Superjaid said...

aw kawawa naman si bayawak. di ko keri na kumain ng ganyan.

musingan said...

extic food... di ako kumakain.. nakuh... marami nga akong naririnig na kumakain ng bayawak... pero ako hindi ako talaga kumakain... kahit isda... piling pili ang kinakain kong isda... ahahaha

Psyche said...

nyahaha! only in Bicol? ang saya ng kwento mo hehe... bat alang pic yun 'cooked' bayawak? hihihihi!

iya_khin said...

naging pulutan!!! wahahah

Lady_Blue said...
This comment has been removed by the author.
jhengpot said...

di ko ata matake yun. ew. haha

dahil jan kasali ka na dito ha!http://heavenknowsmj.blogspot.com/2012/02/labing-isa.html your timer starts now. lol,

kimmy said...

hehehe! exotic noh?

Diamond R said...

@Bino - ang mga manginginom lang yata ang gusto ito.sa tingin ko lang

@Sey - natawa ako sa palaka macho man talaga ang itsura may bicep kasi at dibdib.

@Arvin - Ang alam ko buhay na manok din ang kinakain ng bayawak iwan ko lang di ko sigurado. pero ang itsura niya parang madumi

@Mayen- Sa dami naman ng pweding kainin bakit kasi pinag interesan pa ang mga ito mayen.Hayaan na lang sila sa bukid.
noong mga bata pa kami si papa din pinapakain kami ng mga ganyan pati ahas maganda daw sa katawan pero di namin alam kasi di talaga namin kakainin

Sey said...

bumalik ako kasi tama may biceps yung palaka pero infairness delicious talaga yun. May letter ka? wag solicitation ah! hehehe.

Diamond R said...

@Huseng Batute- nakatikim ka na yan?

@Leo- sinabi mo pa ang bilis nilang tumakbo mukhang makakasakit sila kasi ang butot nila hinahampas.at ang balat matigas.

@Ishmael Fisher - Oo nga mukha ngang kumakain sila ng mga patay.

@Superjaid - pag di mo siguro alam baka makain mo pero pag nakita mo ang itsura aatras ka na.

@Musingan- para kang yong bunso kong kapatid isda na lang namimili pa.

@Psyche - nakalimutan kong picturan wala akong planong i blog ang niluto.sayang pero parang adobo lang ang kulay.Masaya nga ang bakasyon ko pero maulan.

@Iya - doon siya pinagfiestahan ng mga manginginom

@lady_blue - mommy sorry sa post kong ito.kung ano ano ang naiisip ko.nakita ko kasi ang picture kaya ganon.

@jengpot - di nga nababagay sa blog kong ito ang bayawak na ito.

@Kimmy - Thanks for the visit.exotic nga talaga.

tagapagmana ni Huseng Batute said...

syempre....basta't mahihirap sanay na dyan...hehehe
masarap kaya....

Diamond R said...

@Huseng Batute- Apir tayo diyan.Saan ang probinsiya niyo sama tayo sa panghuhuli ng bayawak.Gagawin kong pet.

tagapagmana ni Huseng Batute said...

sa Sultan Kudarat eh...ang layo
nasa Mindanao...
at saka mahirap iyang gawing pet kumakagat...hehehe

top commentators

Get this widget

Labels

Yiruma